Mahilig ka ba kumain ng mga nauusong pagkain? Basahin ang blog na ito.
Maraming ngayon ang mga nauusong pagkain na ikinakaaliwan ng mga tao sa internet. Madalas na tinatawag sa mga ito ay "food trends" at matagal nang lumilitaw sa iba't ibang social media platforms. Ang mga food trends na ito ay sikat o trending dahil sa mga rason na: ito ay masustansiya, ito ay masarap, ito ay may kakaiba, at ito ay madaling gawin. Madaming mga tao ang sumusunod o gumagaya sa food trends para maka-kuha ng ideya para sa kanilang almusal, tanghalian, hapunan, o meryenda. Subali't alin nga ba sa mga food trends na ito ang mapanganib at masama sa kalusugan, at ang nakakabuti naman. Nakalagay sa ibaba ang tatlong mga nauusong pagkain, basahin ang kontexto para malaman kung mabuti ito sa kalusugan o hindi. Simulan natin sa:
Matcha
Sigurado na madami sa mga kabataan ngayon ang nakaka alam kung ano ang Matcha. Nagsimula ito ma-uso sa Tiktok at nabighani ang madami dito. Ang Matcha ay isang uri ng chaa na galing sa idinurog na mabuti na green tea. Ayon sa dating ikinagawian, ang matcha powder ay ihinahalo sa kumukulong tubig at ginagamit naman ang bamboo whisk upang maihalo ito hanggang sa may mabuo nang maliliit na bula sa itaas.
Ngayon ay madami nang paraan para i-handa ito-- inilalagay na ito sa ice cream, gumagawa na ng matcha latte, matcha cake, matcha na tinapay, at sa kung saan saan pa ito ihinahalo. Ang matcha ay may pagka-pait galing sa dahon na Camellia Sinensis. Ang matcha ay may napaka daming benepisyo sa katawan, kasama na ang mga sumusunod: ang pagkakaroon ng anti oxdiant, ang pag baba ng tsansa na magkaroon ng chronic disease, pagpapabagal ng pagtanda (anti aging), at ang pagkakaroon ng antibacterial properties. Ang mga ito ay ayon kila Uchida, K. et.al 2024 at Sakary, S. et.al2023.
Dubai Chocolate
Ang Dubai chocolate ay isa sa pinaka ikikana-aliwan ngayon sa buong mundo na sobrang anging patok noong ang isang content creator sa Tiktok na si Maria Hevera ay nagpost ng isang food content o mukbang ng Dubai Chocolate, ito ay naka kuwa ng mahigit 80 milyon na views. Madami ang natuwa at na engganiyo sa kaniyang kinakain na naging simula ng tinatawag na Dubai Chocolate craze. Madami na din iba't ibang content creator ang gumawa neto, pati na ang mga celebrity at kahit ang mga taong masa.
Nagkaroon din ng iba't ibang variations itong Dubai Chocolate na ito. Tulad noong matcha, nagkaroon ng Dubai chocolate cake, Dubai chocolate ice cream, Dubai chocolate strawberry, Dubai chocolate mochi, at iba't iba pa. Isa na ako sa mga tao na nakatikim at nasarapan sa Dubai chocolate na ito, at ang masasabi ko lamang talaga ay kahit hindi ako mahilig sa pistachio ay talaga namang nagsi-kantahan ang mga buds sa dila ko.
Subali't hindi masustansya ang dubai chocolate. Karamihan o kung hindi man, ay lahat ng Dubai Chocolate ay gawa sa ipinrito na kunafa o phyllo dough na inihalo sa pistachio na palaman at minsan naman ay may halo pang tahini na nagkakalaman din ng madaming asukal. Madalas itong binabalot sa milk chocolate-- pero kahit ito pa ay gamitan ng dark chocolate para mas mapa baba ang laman nitong asukal ay hindi pa din sapat. Ang pistachio spread lamang ay may mahigit 20g-30g ng asukal ang 100g [Foods, 14(23), 4002 2025]. Kaya naman hindi maipapayo na ito ay madalas na kainin dahil makaka apekto ito ng malala sa kalusugan kung sakali man na araw-arawin ang pagkain nito.
Buldak noodles
Ang Buldak noodles ay isang uri noodles na maanghang. Matagal na itong nauuso dahil sa natatangi nitong spice content o sobrang ka-anghangan nito-- nauso ang spicy noodles challenge/Buldak noodles challenge kung saan ang kalahok ay dapat na makaubos ng mahigit isang pack ng Buldak noodles.
Ang Buldak noodles ay may iba't ibang klase o variation pero ang pinaka uso ngayon ay ang Carbonara Buldak at ang Original Buldak. Ang Carbonara ay ang paborito ng lahat dahil sa Carbonara flavor nito na mayroong anghang na kasama. Ito ay may kakaibang lasa na nakaka adik (metaphorically) sa panlasa. Ang Buldak noodles ay nanggaling sa bansang Korea na kilala sa dami ng mga masasarap na instant noodles nito.
Pero ang Buldak noodles ay tulad ng Dubai chocolate; hindi dapat madalas kinakain. Ang isang pack ng Buldak noodles ay may 530-570 calories na sobra sobra para sa isang meal na wala masiyadong protein o mga sustansya na kailangan ng tao. Kaya paminsan-minsan lamang dapat ito kainin at hindi dapat gamitin pamalit sa normal na pagkain na may tunay na sustansiya para sa ating katawan.
Ang Dubai Chocolate at Buldak ay ang dalawang may pinakakonting laman ng magagandang sustansiya sa listahan nito, habang ang Matcha naman ay ang pinaka maipapayo para sa pinaka magandang dalasan ng pagkain, ayon sa aking blog. Maganda ang pagtitikim ng mga pagkain galing sa iba't ibang mundo, dahil ang pagkain ay hindi lamang naglalaman ng kung ano-anong nutrients ngunit pati na rin ang istorya ng mga pinanggalingan nito na mga bansa. Ngunit dapat na alamin muna kung ang mga ito ay may sapat nga ba na sustansiya para araw-arawin ito, pero ang paminsan-minsan naman ay ayos lamang. Tayo ay magmalasakit sa ating katawan dahil isa lamang ang katawan na mayroon tayo, huwag natin ito pabayaan pa. Sana ay may natutunan kayo sa aking unang blog, maraming salamat.
References and citations:
Health Benefits and Chemical Composition of Matcha Green Tea: A Reviewn Jakubczyk, K., Kochman, J., Kwiatkowska, A., et al.
Applied Sciences (MDPI) / PubMed Central (NIH)
A Comparative Multianalytical Approach to... Matcha Tea (Camellia sinensis)
Uchida, K., Meno, K., Korenaga, T., Liu, S., Suzuki, H., Baba, Y., et al. (2024). Effect of matcha green tea on cognitive functions and sleep quality in older adults with cognitive decline: A randomized controlled study over 12 months.PLOS ONE, 19(8), e0309287. https://doi.org/10.1371/journal.pone.0309287
Sokary, S., Al-Asmakh, M., Zakaria, Z. Z., & Bawadi, H. (2023). The therapeutic potential of matcha tea: A critical review on human and animal studies. Current Research in Food Science, 6, 100396. (Further updated in ResearchGate2025: The Immunomodulatory Effect of Matcha Green Tea...)
390 × 280
1,280 × 720
Shakerardekani, A. (2025). Consumer Acceptance and Quantitative Descriptive Analysis of Pistachio Spread.Journal of Agricultural Science and Technology, 19(1), 85-95. Link to Study
Supplementary Reference: > MDPI (2025). Impact of Formulation on the Rheological, Textural, and Sensory Properties of Pistachio Spread. Foods, 14(23), 4002.
Shakerardekani, A. (2025). Consumer Acceptance and Quantitative Descriptive Analysis of Pistachio Spread.Journal of Agricultural Science and Technology, 19(1), 85-95. Link to Study
Supplementary Reference: > MDPI (2025). Impact of Formulation on the Rheological, Textural, and Sensory Properties of Pistachio Spread. Foods, 14(23), 4002.
512 × 512
Comments
Post a Comment